Mahigit 10 milyong doses ng Moderna vaccine laban sa COVID-19 ang kailangan umanong sirain matapos mag-expire sa Switzerland.
Ayon sa Swiss Health Ministry, kailangang i-dispose ang mga naturang bakuna na binubuo ng 2.5 million doses na nakaimbak sa Swiss Army Logistic at 7.8 million doses ang nasa External Storage Depot sa Belgium.
Kinumpirma ng mga otoridad na umabot sa 200 million dollars ang halaga ng mga nasirang COVID vaccine.
Nito lamang Hunyo nang i-anunsyo ng Swiss government na nasa 38 million doses ng iba’t ibang COVID vaccines ang ma-e-expire sa katapusan ng taon.
Sa kabila ng sandamakmak na COVID-19 vaccine, 70% lamang ang nagpabakuna sa Switzerland habang mahigit 13,000 na ang namatay sa naturang sakit. —Sa panulat ni Jenn Patrolla