Limampung (50) porsyento na ng mahigit 300 application para sa security escorts ang aprubado na ng Commission on Elections (COMELEC)
Ipinabatid ito ni Police Supt. Rogelio Simon, Spokesman ng PSPG o Police Security and Protection Group kung saan kabilang sa mga nabigyan ng police escort ang 3 presidentiables, 3 vice presidentiables at mahigit 5 senatoriables.
Sinabi ni Simon na tig-dalawang police escort ang ibinigay nila sa mga naaprubahang application.
Tuluy-tuloy naman aniya ang assessment ng COMELEC sa iba pang application para sa security escort.
By Judith Larino
Phoot Credit: mb.com