Aabot sa 150 bahay ang tinupok ng apoy sa Barangay 10-B, Aplayang Munti sa Cavite City.
Batay sa ibinahaging video ni Cavite City Vice Mayor Denver Chua, ikinuwento ng ilang residennte na nagsimula ang sunong nang biglang mag-brownout sa nasabing lugar.
Nagmistulang liwanag sa kalangitan ang naganap na sunog dahil sa taas ng apoy.
Ayon naman kay Cavite Provincial Fire Director Supt. Rene Bullos, itinaas pa sa ikatlong alarma ang sunog bago ito naapula dahil Dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa nangyaring insidente.
Sa ngayon, inaalam pa ng otoridad ang halaga ng pinsala ang bilang ng mga residenteng apektado. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles