Mahigit sa 100 Chinese nationals mula sa Wuhan City sa China ang nakapasok ng Boracay Island sa mismong araw ng transport lockdown sa syudad dahil sa 2019 novel coronavirus.
Ang mga turista ay lulan ng the royal air charter, isa sa dalawang airline na may direct flight patungo ng Wuhan City.
Tiniyak naman ni Eric Apolonio, spokesman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dumaan sa thermal scanner at iba pang security procedure ang mga turista.
Wala naman anyang nagpakita ng sintomas ng pagkakasakit sa sinuman kaya’t pinayagan silang makapasok ng Boracay Island.
Sa Wuhan City pinaniniwalaang nagmula ang novel coronavirus na kumitil na sa 17 buhay.