Higit sa 100 mga estudyante ang dinala sa ospital matapos na sumailalim sa deworming program ng Department of Health (DOH).
Ayon sa ulat, 16 ang dinala sa Doña Maria Tan Memorial Hospital habang 94 naman ang napalabas din agad sa pagamutan.
Agad na dumipensa si Department of Education (DepEd) Director for Health and Nutrition Center Dr. Ella Naliponguit, aniya ligtas na inumin ang deworming tablet na ipinamahagi sa mga estudyante maliban sa ilang side effect tulad ng pagkahilo.
Apatnapu’t siyam na milyon ang inilaang budget ng DOH para sa nationwide deworming activity nito sa mga pampublikong paaralan.
By Rianne Briones