Nasunog ang nasa 120 mga bahay sa isang residential area sa Brgy. Manresa, Quezon City nitong Lunes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang first alarm dakong 1:12 ng hapon at idineklara itong fire out alas-2:30 ng hapon.
Tinatayang aabot sa 150,000 pesos ang halaga ng pinsala ng sunog at nasa 330 indibidwal naman ang naapektuhan nito.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. —sa panulat ni Hya Ludivico