Higit isang daan katao ang naaresto ng mga otoridad kasunod ng ikinasang Oplan Rody o Rid the Streets of Drinkers and Youth sa Paranaque City, Biyernes ng gabi.
Ayon kay Paranaque City Chief of Police Senior Supt. Jemar Modequilo, kabilang sa mga nahuli ay 46 na menor de edad dahil sa paglabag sa curfew, 31 dahil sa pag inom ng alak sa pampublikong lugar, 15 na walang suot na damit pang – itaas at labing isang mayroong warrant of arrest.
Pinag push – up ang mga nahuling walang damit pang- itaas habang pinagalitan at pinasundo sa mga magulang ang mga menor de edad.
Dagdag pa rito sa mga nahuli ang higit 20 mga motorcycle unit na walang kaukulang papeles o rehistro.
Simula nang panungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinatupad na ang Oplan Rody sa naturang syudad upang mabawasan ang krimen lalo na sa gabi at madisiplina ang mga residente.
By Rianne Briones