This is a developing story. Please refresh page for updates.
Tinatayang nasa 261 katao ang napaulat na nabiktima ng food poisoning sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating first lady Imelda Marcos sa Ynares Sports Complex sa Pasig City, ngayong araw.
BREAKING: Higit 60 katao, nabiktima ng food poisoning sa Pasig City. Ito’y sa pagtitipon na bahagi umano ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating first lady Imelda Marcos pic.twitter.com/qDQGs3XX8N
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 3, 2019
Ayon sa Eastern Police District, dinala na ang mga pasyente sa iba’t ibang ospital na malapit sa naturang lugar partikular na sa Pasig City General Hospital, Tricity Medical Center, Polymedic General Hospital, Rizal Medical Center at Medical City.
Samantala, rumesponde na rin ang medic teams ng Philippine Red Cross sa pangyayari para sa agarang paghahatid ng mga pasyente sa mga kalapit ospital.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa naturang pangyayari.
Samantala, ayon kay Chief of Staff Bebot Diaz, ‘Marcos loyalist’ groups ang nag-organisa ng naturang pagdiriwang at inimbitahan lamang ang dating Unang Ginang sa Pasig City kung saan naganap ang food poisoning.
with report from Jill Resontoc (Patrol 7)