Umabot na sa higit 100 katao ang namamatay sa mga kilos protesta sa Iran.
Ayon sa Amnesty International, nasa 106 ang bilang ng mga namamatay sa 21 siydudad ng naturang bansa.
Dagdag pa ng report, nagpa ulan ng bala ang mga pulisya at snipers mula sa mga bubong sa mga raliyista.
Pinangangambahan naman ng grupo na nasa higit 200 na ang totoong death toll.
Sa kabila nito ay nanindigan si Iran Judiciary Spokesman Gholamhossein Esmaili na bumalik na ang kapayapaan sa lugar.
Magugunitang nagsimula ang kilos protesta sa Iran noong nakaraang linggo dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.