Patay ang mahigit 100 katao matapos sumabog ang iligal na planta ng langis, sa border ng Nigeria River at estado ng Imo, Nigeria.
Ayon kay Goodluck Opiah, State Commissioner for Petroleum Resources, nagsimula ang pagsabog sa bunker site na nasa Ohaji Egbema sa Imo.
Noong Oktubre nakaraang taon, nasa 25 katao rin ang nasawi sa lugar at dahilan din ang iligal na planta ng langis.