Inilagay ng Commission on Elections (Comelec) sa “red category” ang nasa 104 na munisipalidad at 14 na siyudad sa bansa, ilang linggo bago ang eleksyon.
Ayon sa COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, listahan ng mga lugar na sa sa red category ay nakabase sa rekomedasyon ng joint regional security committee na kinabibilangan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Aniya, mariin nilang tututukan ang mga ito dahil sa kasasayan nito sa election-related violence at para naming makita kung kailangan itong isailalim sa Comelec control.
Paliwanag nito, mapipilitan silang ilagay sa COMELEC control ang isang lugar sakaling magkaroon ng insidente ng kaguluhan at karahasan na makakaapekto sa malayang halalan.
Binaggit pa ni Pangaruan sa kaniyang pahayag na kabilang ang Basila, Sulu at Tawi-tawi ang mga lugar na nananatiling malaking hamon para sa kanila pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.
Samantala, ibinida naman ni Comelec Commissioner George Garcia na nasa 95% na silang handa sa darating na May 9, 2022 elections.