Higit 150 mga kabaong ang dinala ng Amerika sa inter – korean border malapit sa North Korea.
Ayon kay US Forces Korean Spokesman Col. Chad Caroll, ito ay para sa pagsasauli ng mga labi ng mga namatay na sundalong amerikano noong 1950 hanggang 1953 korean war.
Kabilang ito sa mga napagkasunduan nina US President Donald Trump at North Korean Supreme Leader Kim Jong –Un.
Bagama’t nakahanda na ang mga kabaong ay hindi naman malinaw pa sa ngayon kung kailan at paano gagawin ang sinasabing pagsasauli ng bangkay.
Higit 5,000 mga sundalong amerikano ang sinasabing nawala at pinaniniwalaang namatay noong korean war sa bahagi ng NoKor.