Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Ng isandaang ruta ng bus, jeep at u.v. Express sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Layunin nitong madagdagan ang public transportation supply bilang preparasyon sa muling pagbubukas ng face-to-face classes simula Agosto a – 22.
Inihayag ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na ang naturang hakbang matapos ang ikalawang hearing ng ahensya sa petisyon para sa fare hike sa public utility buses.
Alinsunod anya sa utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista ay magbubukas ng modified routes sa mga lugar na may maraming paaralan, gaya ng university belt sa Maynila.
Ito’y dahil nangangailangan ng mas maraming public transportation para sa mga estudyante na magbabalik-eskwela.
Samantala, para naman sa mga jeep at uv express, idinagdag ni Garafil na muling bubuksan ang lahat ng “non-EDSA routes”.