Umabot sa mahigit 100% ang naitalang kaso ng critical case ng COVID-19 sa mga ospital mula Hulyo 15 hanggang Agosto 15.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng nakikitang pagtaas ng kaso ng virus na pinalala ng delta variant.
Batay sa datos ng Department Of Health, ang critical cases ay sumipa sa 182% kung saan 26% dito ang naka- admit ngayon sa ospital.
60% naman ang itinaas ng moderate cases habang 124% naman ang itinaas ng asymptomatic cases.
Kaugnay nito patuloy naman ang pakiusap ng Palasyo na kung moderate case lamang ang nararamdaman ng isang pasyente ay dalhin na lamang ito sa mga temporary treatment at monitoring facilities.—ulat mula kay Jopel Pelenio
(Patrol 17) sa panulat ni Hya Ludivico