Tinatayang 111 market vendors ang pinadalhan ng notices of violation ng lokal na pamahalaan ng Quezon City dahil sa overpricing simula nitong Enero 1.
Ayon kay Procopio Lipana, head of operations ng QC Market Development and Administration Department o MDAD, lumalabas na malayo sa Suggested Retail Price o SRP ang halaga ng mga produkto ng ilang vendors.
Sinasabing araw-araw nang mino-monitor ng Quezon City LGU ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa lungsod upang matiyak na hindi lagpas sa SRP ang mga ito.
Agad namang inendorso sa Department of Agriculture (DA) ang kaso ng mga vendors dahil ito ang may hurisdiksiyon sa naturang usapin.