Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 122 overseas filipino workers (OFW) ang naiuwi na sa bansa mula sa iba’t ibang lugar sa Europe.
Dumating sa bansa ang nasa 92 OFWs mula Amsterdam sakay ng chartered flights sa NAIA Terminal 1.
Habang nasa 30 naman ay mula sa The Netherlands, Belgium at iba pang rehiyon sakay ng Singapore Commercial Flight.
Samantala, itinakda naman ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Worker’s Affairs ang ikatlong chartered flight bukas.
Ilulunsad din ng DFA ang repatriation flight upang pauwiin ang mas maraming OFWs mula Europe, Saudi Rabia at United Emirates.