Mahigit isandaang (100) empleyado ng Philippine Airlines o PAL sa mga domestic station nito ang mawawalan ng trabaho simula sa Nobyembre 9.
Ito’y bilang bahagi ng business restructuring upang mapanatili ang competitive status at epektibong air services ng PAL sa publiko.
Ayon sa pamunuan ng PAL, magsisimula ang layoff sa mahigit 100 empleyado sa Nobyembre 9.
Makatatanggap naman ng separation package na 125 percent ng monthly basic salary per year of service at gratuity pay na P100,000 pesos ang mga maaapektuhang empleyado.
Tiniyak din ng flag carrier sa publiko na hindi maka-aapekto ang restructuring sa kanilang operasyon.
By Drew Nacino