Nasa 153 panukala ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ganap na naisabatas sa loob ng 5 buwan o mula Abril hanggang Agosto ng kasalukuyang taon.
Katumbas ito ng average na 30 panukalang batas sa 1 buwan o 1 kada araw.
Karamihan sa mga nasabanggit na mga batas ay mga local laws o mga batas na maipatutupad sa mga lokal na pamahalaan tulad ng pabuo ng bagong barangay, pagpapalit ng mga lokal na eskuwelahan o kalsada para maging national school o highways.
Gayundin ang pagpapalit ng pangalan ng mga kalsada at conversion g local hospitals para maging national health facilities.
Habang mangingilan din bagong batas na may national application ang nilagdaan ni Pangulong Duterte sa loob ng 5 buwan kabilang na ang Republic Act 11346 na naglalayong maitaas ang excise tax sa tobacco at ibang kaugnay na produkto.
Samantala, isang local bill naman aang naisabatas matapos na hindi lagdaan o vineto ng Pangulo sa loob ng 30 araw na isinumite nito.