Ligtas na nasagip ng mga awtoridad sa Sabah, Malaysia ang mahigit 100 pasahero ng isang barko mula sa Pilipinas na lumubog sa naturang bansa.
Ayon sa ulat, ang ferry boat na may sakay na 158 pasahero ay umalis sa Tawi-Tawi patungong Semporna area sa Malaysia.
Subalit bago pa lamang ito makadaong ay nasalpok ito ng isang malaking barge.
Agad na isinugod sa pagamutan ang mga nasaktang pasahero.
By Jelbert Perdez