Mahigit 100 pasahero ang stranded matapos kanselahin ng Philippine Coast Guard Northern Mindanao ang ilang biyahe dahil sa bagyong Onyok.
Ayon kay Coast Guard Northern Mindanao Commander Lt. Azra Riza Suangco, kasunod ito nang pagsailalim sa public storm signal number sa 5 probinsya sa area.
Sinabi ni Suangco na kabilang sa mga apektado ang biyahe patungong Cebu-Manila ng MV St. Pope John Paul II, Cagayan de Oro-Cebu ng MV Trans Asia at Cagayan de Oro-Jagna, Bohol ng MV Lite Ferry.
Naka-standby naman ang lahat ng stations at sub stations ng Coast Guard mula Northern Mindanao hanggang Caraga at Zamboanga Region.
By Judith Larino