Mahigit 100 Pinoy doctors at nurses ang nagsagawa ng surgery para mabawasan ang backlog ng surgeries dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Dr. Ramon Inso, Pangulo ng Philippine College of Surgeons, limitado lamang ang isinasagawa nilang surgery nuong kasagsagan ng lockdown.
Sinabi ni Inso na matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic kaya’t nagsanib puwersa sila ng Philippine Society of Anesthesiologists at Operating Room Nurses Association of the Philippines para magsagawa ng libreng surgery para sa indigent patients.
Mahigit 80 private at public hospitals ang nakiisa sa tinaguriang National Surgical Outreach Day na nagsimula nitong nakalipas na September 5 at pinaplano nilang gawin ito taun-taon.
Binigyang diin ni Inso na nais nilang ipakitang ginagawa nila ang kanilang tungkulin bilang surgeons, anesthesiologists at nurses para matugunan ang mga nakapilang kailangang isalang sa surgery.