Aabot sa mahigit 100 preso sa Iloilo District Jail sa Pototan, Iloilo ang umakyat sa bubong ng bilangguan kahapon.
Ito ay upang iprotesta ang dinaranas na gutom sapat at ipanawagan ang pagsibak sa kanilang jail warden na si Jail Chief Inspector Norberto Miciano Junior.
Nag-ugat ang protesta sa pag-ipit ni Miciano sa rasyong pagkain sa preso na isang beses na lang kada araw mula sa dating tatlong beses kada araw.
Iniimbestigahan na ng Bureau of Jail Management and Penology – Region 6 ang reklamo ng mga preso.