Nakapagtala ng 177 Rockfall events at isang pagyanig ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon ngayong Linggo.
Batay sa pinakabagong ulat ng PHIVOLCS patuloy na nagkaroon ng “intensified unrest” o magmatic unrest ang Bulkang Mayon simula noong itinaas ang alert level status nito mula 2 hanggang 3.
Nabatid na nitong sabado nagbuga na ng nasa 1, 205 na Sulfur Dioxide ang Bulkan at hanggang ngayon ay patuloy ang pagpapakita ng abnormal na aktibidad nito at inaasahang magpapatuloy pa ito sa susunod na araw.