Sinita ng mga kawani ng Manila Police District ang higit sa 100 mga siklista sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Sa isang pahayag, sinabi ng MPD na ang mga sinitang siklista ay hindi mga authorized persons outside residence (APOR) na hindi pinapahintulutang lumabas ng kanilang kabahayan.
Habang may isa namang nagsabi na bibili lamang ito ng gamot.
At ang iba sa kanila ay iginiit na nag-e-ehersisyo lang.
Kinuhanan lang ng litrato ang mga siklista, pinagsabihan hinggil sa umiiral na restriksyon at tsaka pinauwi.
Nauna rito, makailang beses nang ipinaalala ng palasyo na sa pag-iral ng ECQ, limitado lamang ang galaw ng publiko bilang pag-iingat sa virus maliban na lamang sa mga may emergency.
Habang ang pag-ehersisyo naman ay hindi binabawalan basta’t hindi lalabas sa kani-kanilang komunidad o barangay.