Nagtalaga na ang Korte Suprema ng mahigit sa 100 special courts sa 13 rehiyon ng bansa para tumutok sa election protests sa mga munisipalidad.
Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng Korte Suprema ng kautusan noong Setyembre 24 na nilagdaan nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Presbitero Velasco.
Sa ilalim ng kautusan, tututukan ng mga special court ang mga inihahain na election protest maliban na lang sa mga isusumiteng writ of habeas corpus, writ of amparo at writ of data.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)