Narekober ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa higit 100 tonelada ng taklobo o giant clams sa General Santos City.
Ayon kay NBI Region 6 Assistant Regional Director Ezel Hernandez, ito ang unang beses na nakarekober sila ng napakalaking bilang ng mga endangered species.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang suspek.
Magugunitang kasama sa listahan ng “protected species” ng cites o Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora kung saan pinoprotektahan ito laban sa over exploitation.
Karaniwang ginagamit ang taklobo bilang sangkap sa mga beauty products at ang ilan ay ginagawa itong mga accessories.