Mahigit 100 pagyanig ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, pawang mahihina lamang ang naitalang 156 na volcanic earthquakes.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na patuloy din sa pagbubuga ng mahinang steam laden plumes ang Bulkang Taal at mayroon itong taas na 50 meters hanggang 100 meters.
Ipinabatid pa ng PHIVOLCS na patuloy din ang mga naitatalang pagyanig dahil pa rin sa magmatic activity sa loob ng Taal –ang inilalabas na average na sulfur dioxide ay umaabot sa 55 tons per day.
Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Taal Volcano at asahan pa ang mahihinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall at lethal volcanic gas expulsions.