Aabot sa mahigit 1,000 baboy ang kinatay sa dalawang bayan sa Camarines Sur matapos magpositibo ang mga ito sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 96 na baboy ang kinatay sa Barangay Sta. Salud at San Vicente sa bayan ng Calabanga.
Nasa 1,149 naman na baboy ang kinatay sa apat na baranggay sa bayan ng Bombon.