Pumalo sa mahigit 1,000 examenee ang pumasa sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test (PNPACAT) 2019.
Pahayag ng PNPA, nasa kabuuang 1,341 ang nakapasa sa eksaminasyon mula sa 17,482 na kumuha ng cadet admission test na isinagawa sa 31 testing centers sa ibat ibang bahagi ng bansa noong November 10.
Kasunod nito, pagpipilian na ang mga naturang kadete para sa PNPA cadetship.
Kabilang sa mga kailangan nilang maipasa ay ang neuro-psychiatric examination, medical and dental examination, physical fitness test, at panel interview upang malaman kung kwalipikado ang mga ito para sa apat na taong pagsasanay.
Sinabi ni PNPA Director MGen. Jose Chiquito Malayo, mahigpit nilang ipatutupad ang proseso sa mga aplikante.
Magsisilbi namang basehan sa pagpili sa mga aplikante ANG MERIT AT RANKING SYSTEM MULA SA KANILANG OVERALL PERFORMANCE SA SCREENING PROCESS.
Inaasahan naman aniyang aabot sa mahigit 350 na kadete ang makakapasok sa Bachelor of Science in Public Safety (BSPS) para sa batch 2024.