Higit 1000 tauhan ng PNP ang sumailalim na sa random drug test mula Mayo 10 hanggang Hunyo 8.
Sa tala ng PNP, maraming sumalang mula sa Police Region Office 10 sa bilang na 332.
Sa Kampo Krame, 137 tauhan ang dumaan sa random drug test habang sa 5 District Office sa NCR, tanging Quezon City Police District ang nagsagawa ng drug test kung saan 40 ang sumailalim.
Paglilinaw ni PNP Spokesman Police Chief Superintendent Wilben Mayor, sa sandaling magpositibo ang isang pulis, daraan muna ito sa isang confirmatory test.
Kung magpositibo sa confirmatory test, pagpapaliwanagin ang nasabing pulis kung bakit hindi ito dapat sibakin sa serbisyo.
By: Avee Devierte