Umarangkada na ang mahigit sa 1,000 karagdagang tradisyunal na jeepneys ngayong Miyerkules, ika-26 ng Agosto, sa 23 ruta na binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB).
Hindi na pinakuha ng special permit ang mga pinayagang pumasada subalit kailangang magdownload sa website ng LTFRB ng QR code na dapat nakaprint sa short bond paper at nakadisplay sa jeepney.
Ipinaalala rin ng LTFRB ang pagsunod sa safety measures tulad ng pagsuri sa body temperature, pagsusuot ng facemask, face shield at gloves sa lahat ng oras at pag-operate ng 50% na maximum passenger capacity.
Kabilang sa mga bagong bukas na ruta ang mga sumusunod:
- T132 Napocor Village/NIA Ville – SM North EDSA
- T133 NAPOCOR/NIA Ville – Mindanao Ave. Congressional
- T134 Bagbaguin – Malinta
- T234 Katipunan – Marcos Ave./University Ave. via UP
- T369 Libertad – PRC
- T370 Santol – Pina Ave. via Buenos Aires
- T371 Blumentritt – Divisoria
- T372 Blumentritt – Libertad via Sta. Cruz, L. Guinto
- T373 Libertad – Retiro via Mabini, Sta. Cruz, L Guinto
- T374 España – Rizal Ave. via Blumenttrit
- T375 Blumentritt – Retiro
- T376 Arroceros – Blumentritt via Dimasalang
- T377 Ayala – P. Burgos/J.P. Rizal
- T378 Baclaran – Blumentritt via Mabini, Sta. Cruz
- T379 Baclaran – Blumentritt via Quiapo/Mabini
- T380 Dapitan – Pier South
- T381 Divisoria – Libertad via L. Guinto
- T382 Divisoria – Libertad via Mabini
- T383 Divisoria – TM Kalaw via Jones Bridge
- T384 España – Project 2&3 via Timog Ave.
- T385 Project 4 – TM Kalaw via Cubao, E. Rodriguez
- T386 Pier South – Retiro via Sta. Cruz
- T405 Multinational Village – Gate along Imelda Ave.