Mahigit sa 1,500 pamilya mula sa Batangas ang kinukupkop ngayon sa Cavite.
Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, ikinalat nila ang evacuees sa mga evacuation centers nila sa Tagaytay, Silang at Mendez.
Ang mga evacuees ay nagmula sa mga bayan sa Batangas na nasa panganib dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal.
Tiniyak ni Remulla na nakahanda ang pamahalaan ng Cavite na ibigay ang pangunahing pangangailangan ng mga kinupkop nilang evacuues mula sa Batangas.
Samantala, pinakamalala na anyang epekto ng pagputok ng Taal sa Cavite ay ang 50-millimeters na kapal ng abo na umabot sa lalawigan.
Handa naman kami, at mga kamag-anak ‘yon (mga residente sa Batangas), e, mula Tagaytay hanggang Talisay, kinukupkop naman namin. Calamity has no boundaries, Pilipino rin naman, so, tulungan natin ang lahat ng kailangang tulungan,” ani Remulla.
Samantala, umapela si Remulla sa mga nais na mamasyal ng Tagaytay na ipagpaliban muna ang pag-akyat sa lugar.
Sa ngayon anya ay hindi pa maasikaso ng local government ang paglilinis sa mga abo at bato mula sa Bulkang Taal na umabot ng Tagaytay. —sa panayam ng Ratsada Balita