Tinatayang isang libong sako ng basura ang nahakot sa “dolomite beach” sa Manila Bay bilang bahagi ng international coastal clean-up day.
Ayon sa Philippine Coast Guard, kabuuang 310 personnel mula sa kanilang hanay, Bureau of Jail Management and Penology at iba pang organisasyon ang lumahok sa naturang aktibidad, noong Sabado.
Kabilang rin sa nakiisa sa clean-up drive si PCG – Marine Environmental Protection Commander, Rear Admiral Robert Patrimonio.
Taong 2003 nang lagdaan ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang presidential proclamation 470 na nagdedeklara na tuwing ikatlong linggo ng Setyembre ay isasagawa ang international coastal clean-up day.
Ito’y bilang paggunita sa pagdiriwang ng global coastal clean-up.