Itinurn – over na ng mga pulis sa kustodiya ng Bureau of Customs o BOC ang nasa 1,500 sako ng mga smuggled na bigas na nasamsam sa isang warehouse sa Barangay Talon – Talon sa Zamboanga City.
Ayon sa ulat ng Zamboanga City Police, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa mga dumating na sako – sakong bigas na sakay ng anim na trak sa nasabing lugar at agad nila itong bineripika.
Dito nakumpirma na smuggled rice ang mga ito matapos na walang maipakita ang drayber ng kaukulang dokumento upang mapatunayang legal ang pag – transport sa mga naturang bigas.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nagmamay – ari ng mga nasamsam na smuggled rice habang patuloy naman ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.