Nasa 1,000 hanggang 2,000 maglalayag o seafarers ang nananatili sa walong mga barko na dumating sa bansa mula pa noong isang linggo.
Naghihintay ang mga seafarers ng ‘go’ signal mula sa Bureau of Quarantine para sila makababa ng barko at sumailalim sa check-up at quarantine ng dalawang linggo.
Ang mga barko ay nagmula sa Australia, Indonesia, at Malaysia.
Ayon kay Commander Armand Balilo, spokesman ng Philippine Coast Guard (PCG), nakaantabay na ang mga doktor at medical personnel ng PCG para agad masuri ang mga seafarers sa sandaling payagan na silang makababa ng barko.
Nito anyang linggo ay may halos 500 Pilipino ang nakababa na sa isang barko galing ng Malaysia at dinala na nila sa quarantine area.