Mahigit 1,000 volunteers ang ikinalat ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga ruta na dadaanan ng Traslacion.
Ayon sa pamunuan ng PRC, handa na sila para taunang tradisyon.
Anila, nasa 51 ambulansya at 13 first aid stations ang nakatalaga, ngayong araw.
Samantala, nakahanda na rin ang kanilang emergency medical unit, amphibian vehicle, rescue boats at isang advance medical post.