Tinatayang sampung libong (10,000) miyembro na ng Islamic State ang nasa Afghanistan at patuloy na lumalaki ang bilang dahil sa pagdagsa umano ng mga terorista mula Syria at Iraq.
Ayon kay Russian Special Presidential Envoy for Afghanistan Zamir Kabulov, nangangamba ang Russia sa paglakas ng puwersa ng ISIS sa Northern Afghan Provinces malapit sa border ng Tajikistan at Turkmenistan.
Mayroon anyang ilang helicopter na hindi mabatid kung saan nagmula ang naghahatid sa mga ISIS member at nag-de-deliver ng mga western military equipment sa Afghanistan.
Ibinabala naman ni kabulov na maaaring manumbalik ang karahasan sa Afghanistan dahil sa pinangangambahang pagsasanib puwersa ng ISIS, Al-qaeda at Taliban.