Higit sa 100K pulis na ang idineploy sa mga sementeryo sa buong bansa.
Inihayag ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr, halos limang libong police assistance desk din ang ipinakalat sa mga pampubliko at pribadong sementeryo bilang pagtiyak sa seguridad ng mga bibisita ngayong Undas.
Maari anyang magpasaklolo ang mga motorista na mahaharap sa emergency at tumawag sa national emergency hotline 117 o sa police assistance centers sa mga national highway.
Tinitiyak naman ni Quezon City police district director, Brig. Gen. Nicolas Torre na paigtingin ang security measures para sa kaayusan ng Undas.
Samantala, nagtalaga rin ang Southern police district ng mahigit 2,000 pulis sa Makati, Pasay, Taguig at Parañaque. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla