SUMAMPA na sa mahigit 112 million doses ng coronavirus vaccines ang na-administer sa buong bansa.
Ayon sa National COVID-19 dashboard, fully vaccinated na ang hindi bababa sa 52 million Filipinos.
Maliban dito, higit tatlong milyon naman ang nakatanggap na ng booster doses bilang dagdag proteksiyon kontra COVID-19.
Samantala, nakumpleto na ang procurement ng pamahalaan ng 13 million doses ng Moderna matapos dumating ang karagdagang 150,540 doses noong Biyernes.