Umabot na sa kabuuang 11,303,887 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyohan ng land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng service contracting program phase 3.
Ito ay ipinatupad sa Metro Manila-Edsa Busway Carousel, mula Region 1 hanggang Region 12, Caraga at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nabatid na binuksan nadin ng LTFRB ang mga rutang PITX-NLET at Cubao-NLET para sa mga commuter na papunta at palabas ng National Capital Region (NCR) mula sa Region 1, 2, Region 3 at CAR.
Asahan naman na mas madaragdagan pa ang mga rutang bubuksan ng LTFRB sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero