Na-ideliver na ang batch ng mahigit 12,600 bagong M-4 carbines na inorder ng Pilipinas mula sa U.S. Arms Manufacturer na Remington para sa Philippine Army.
Dahil dito, natapos na rin ang supply contract ng 56,843 M-4 ng mas maaga sa inaasahang target completion schedule na Disyembre.
Ayon kay Army Spokesman, Col. Benjamin Hao, ang mga nasabing armas ay bahagi ng modernization program ng militar.
Gayunman, sasailalim muna sa technical inspection ang mga bagong baril bago ipamahagi ang lahat ng mga ito sa mga sundalo.
Kabuuang P1.9 na bilyong piso ang halaga ng mga M-4 carbine na kapalit ng mga lumang M-16 rifle.
By Drew Nacino