Aabot sa mahigit 124 na toneladang basura ang nakolekta mula sa 125 trash traps na ikinabit ng DENR sa mga critical water bodies ng Bataan, Bulacan at Pampanga.
Ayon kay Paquito Moreno Jr., executive director ng DENR-Region 3, ikinabit ang mga trash traps na ito sa mga ilog at sapa sa mga nasabing probinsya para mabawasan ang dami ng basura na direktang dumadaloy sa mas malaking bahagi ng Manila Bay.
Nabatid na nasa higit 4,300 tonelada ng biodegradable, residual, recyclable at mapanganib na basura ang nakolekta sa Region 3.
Kaugnay nito, umapela ang DENR sa publiko na iayos ang pagtatapon ng kanilang mga basura para mabawasan ang problema sa polusyon ng bansa.