Sumipa na sa kabuuang 13,000,080 mga pamilya na nakatanggap ng ayuda mula sa ika-2 tranche ng social amelioration program (SAP) na ayuda ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 crisis.
Ito’y ayon sa pinakahuling pagtatala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ibig sabihin, higit P77 bilyong na ang nailabas na pondo ng DSWD para sa ika-2 tranche ng naturang cash aid.
Samantala, tiniyak naman ng DSWD, na magpapatuloy ang pamamahagi ng ahensya sa mga benepisyaryo nito, kabilang na ang mga naka-‘waitlisted’ na mga pamilya.