Mahigit isanlibo tatlongdaang (1,300) munisipalidad sa buong bansa ang inaasahang makikinabang sa 11.71 bilyong pisong halaga ng mga proyekto ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Ayon kay DILG acting Secretary Eduardo Año, sa ilalim ito ng programang assistance to municipalities program na layong patayuan ng mga tulay ang mga kanayunan.
Maliban dito, kasama rin sa mga programa ang mga may kaugnayan sa disaster risk reduction, rain water catchment facilities, sanitation at health facilities at municipal drug rehabilitation facility.
Nais ni Año na pantay na matulungan ang lahat ng mga munisipalidad sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa pamamagitan ng tulong pinansyal.
—-