Pumapalo na sa mahigit 13,000 katao ang apektado dahil sa pananalasa ng bagyong Egay.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, kabuuang 3,110 pamilya o katumbas ng 13,003 indibidwal sa Cordillera at Ilocos ang naapektuhan ng bagyo.
Iniulat din ng NDRRMC na 16 na kalsada at dalawang tulay ang sarado sa trapiko dahil sa nangyaring rockslide, landslide at flashflood sa La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Bengeut, Kalinga, Apayao, Isabela, gayundin sa lungsod ng Mandaluyong at Marikina.
Samantala, passable na sa mga sasakyan ang mga sumusunod:
- Bauang-San Fernando Manila North Road, La Union;
– Kennon Road, Benguet;
– Baguio-Bauang Road, Benguet; at
– Liwan West-Babalag Macuta Road.
By Meann Tanbio