Pumalo na sa higit isang daan at apat na pung illegal logger ang nadakip ng awtoridad sa Region IV-B – MIMAROPA ngayong taon.
Ayon kay Police Regional Police Officer 4B Police Brig. Gen. Sidney Sulta Hernia, 143 na indibidwal na ang kanilang nasakote simula Enero 1.
Umabot na rin sa 29,509 board feet ng mga lumber ang kanilang nakumpiska na tinatayang nasa higit isang milyong piso ang market value.
Nahaharap na sa kasong kriminal ang mga suspek para sa paglabag nito sa Forestry Code of the Philippines at Republic Act No. 9175 or the Chainsaw Act of 2002”.
Samantala, ipinag-utos na rin sa lahat ng police units na makiisa sa ikinakasang tree-planting activities.