Sumampa na sa 1,456 ang na-ospital kabilang ang 19 na nasawi sa diarrhea outbreak sa Samar provinces.
Ayon sa Eastern Visayas-Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU ng Department of Health, kabilang sa mga bagong casualty ang tatlong bata sa mga bayan ng Catarman at Pambujan, Northern Samar.
Ayon kay RESU-Region 8 Chief Roderick Boyd Cerro, pinakamatinding tinamaan ng outbreak ang Catbalogan City, mga bayan ng Sta. Rita at Calbiga sa Western Samar.
Sa Northern Samar, matindi ring tinamaan ng outbreak ang mga bayan ng Las Navas, Gamay, Catarman at Lavezares maging sa bayan ng Hilongos, Leyte.
Pangunahing sanhi ng pagkalat ng sakit ay water contamination lalo’t sa balon o poso lamang madalas kumukuha ng tubig ang mga residente, kakulangan ng sanitary toilets at kawalan ng water quality monitoring.
By Drew Nacino