Umabot na sa halos 146K biyahero ang umalis ng bansa makaraang manatili sa pilipinas ng isang linggo para sa Christmas season.
Inihayag ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na ang karagdagang batch ng halos 35K International Travelers ay nakatakda namang umalis sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Morente, nanguna sa listahan ng departures ang mga Pilipino na nasa 117K na sinundan ng mga Amerikano na mahigit 7.7K.
Ang mababa anyang bilang ng mga biyahero ay dulot ng Worldwide Travel Restrictions at Quarantine Requirements upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, partikular ang variant nitong Omicron.
Sa kabila nito, umaasa sila sa BI na tataas pa ang datos ng international travel sa oras na magwakas na ang pandemya. —sa panulat ni Drew Nacino