Mahigit 14,000 doses ng Astrazeneca COVID-19 vaccine ang na-expire sa Negros Occidental.
Ayon sa tagapamahala ng distribusyon ng bakuna sa lugar na si Dr. Caludelia Pabillo, nasa 14,620 ng Astrazeneca ang na-expire noong November 30 na bahagi ng 45,300 doses na dumating sa lugar noong November 8.
Hindi aniya lahat ng bakuna ay nagamit sa National Vaccination Days dahil malapit na itong mag-expire at mas nais umano ng ilang LGUs ang mga bakuna na hindi pa mag-e-expire upang mas makahikayat na magpabakuna ang mas maraming residente.
Giit ni Pabillo, hindi naman nila gustong masayang ang naturang mga bakuna.
Ibabalik sa Department of Health-Region 6 ang mga nag-expire na COVID-19 vaccines. —sa panulat ni Hya Ludivico