Target ng Department of Education (DEPED) na buksan ang mahigit 1,500 eskwelahan sa buong bansa para sa pilot testing ng face to face classes.
Ayon sa DEPED, noong nakaraang taon, nasa 1,100 eskwelahan lamang ang inisyal na bilang ng mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase.
Ipinabatid naman ng mga senador na kailangan tukuyin ng kagawaran ang mga lugar na may mababang bilang ng kaso ng COVID-19.
Sinabi naman ni Senadora Nancy Binay, na kung matutuloy ang pagbubukas ng face to face classes ay ‘wag munang isama ang Quezon province at Metro Manila dahil may mataas na bilang ng kaso ng virus.
Aniya, nasa 100 estudyante at 90 empleyado na eskwelahan ang nagpositibo sa COVID-19 sa lugar.
Kabilang rin sa lugar na may mataas na kaso ng virus ay ang Quezon City na may 104 cases at Navotas na may 99 cases.
Sa kabuuang bilang, nasa 4,000 school personnel at 1,600 na estudyante na ang nagpositibo sa naturang virus.—sa panulat ni Rashid Locsin